Kwentong Batangueño

Kung ikay tunay na batangueno irey mauunawaan mo, kahit nsa balisbisan ka pa!

Isang hapong mabanas, sa pagdalpak dineh sa Tuklong ay may nakaiwarang na puno ng sinturis na arugang aruga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa guyam at pinabantayan sa bilot para hindi ngalutin ng buwik. Habang nagtutukake, naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na sinturis, inutay utay, pasal na pasal. Nang bigla na laang siyang napaumis, humirindat at parang bang-aw na nagpatikar, lumiban ng karsada kahit naambon, naglupagi sa gabukan, nagdamusak kaya puno ng amos, tubal na tubal, talipa pa ang sipit. Napasuot ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang garutihin ng kawot ang mga bangkalang. Pero liyo at parang nakabarik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng babag.
Walang namang kumana kaya ang pagerper sa kahanggan ang naalingilan. Pagkatapos ng barokbokan at lungkuyin, hapong hapo ang Mamay. Naging matalute ang tawaran sa bayaran at mulay ang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Pakloy ang nguso. Nagligalig ang Mamay dahil marami daw kato, amoy hawot daw naman at makati pa sa iladong tulingan. Dapat daw ay kitse lang ang bayad. Sa iyamot ay nagtungayaw na ang Mamay “Ang tinamaan ng lintek na batang areh
at napaka minos, walang galang sa matanda! Mabubusong ka!” Naglabas na ng balisong ang Mamay at niyaangan ang pagerper na nagitla kaya nagtuwarik sa tangwa. Hagalpakan ang mga usbaw eh!
Ay sya, husto na! Bukas na laang uli.

About these ads

6 responses to this post.

  1. Posted by nAdiA on September 13, 2009 at 12:31 pm

    ..aLA aY kA-gAndA nMANG kwEnTO yAn eh..mDAMi pB iBA???

    Reply

  2. Posted by jonalyn on September 22, 2009 at 5:43 am

    walanjo tsong..haaha

    Reply

  3. ala eh ako ay purong purong batangenyo

    Reply

  4. aah,kaganda ng iyong istoryang iyan ah.akoy hanga talaga sa galing ng pagiisip ng BATANGENYO ay HENYO EH.MABUHAY KA KAIBIGAN @ marami ka pang mapapaumis…..

    Reply

  5. Posted by agoncillian on April 12, 2010 at 9:42 am

    ay pagkakatinuwa ko sa isturyang are!..lasahin ko ay ako ay hahapay sa aking pagkakaupo sa silya eh.,ang inutas ko sa kakahagalpak eh>kainaman

    Reply

  6. Di ko ga naintindihan..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: