Lumang Topic: Pinoy Religion and Government

Kung natatandaan nyo pa, ang madalas na topic sa history classes natin magmula pa elementary hanggang college ay ang pagkakaugnay ng simbahan at pamahalaan. Isipin natin sa panahon ngayon kung ano ang posisyon ng dalawang sangay ng lipunan – ang pamahalaan (administrasyon) at simbahan (naging oposisyon). Mi napapala pa ba ang Pilipino mula sa kanila?

Sirkus ang araw-araw na balitang napapanood at nababasa natin sa media. Ang kinagisnan na ng kabataan ay mgacourtesy-of-danny-boy-pata-2 isyu ng corruption, uncontrolled damages dahi sa kalamidad, mga krimen dahil sa kahirapan, malisyosong mga balita at iskandalo, mga bagay na ikinasanay na nating  lahat. Wala nang bago kapag gising mo kinabukasan.

Wala na bang moralidad sa pamahalaan? Ang aral ba ng simbahan ay balewala na lamang? Baka dito nga lang sa ating bansa! Ipaghalimbawa natin ang isang bansang Muslim, ang Malaysia. Sa bansang ito, ang simbahan at pamahalaan ay halos iisa. Ang mga aral ng Koran ay napapaloob at ipinapatupad sa pamamagitan ng batas, at mahigpit itong binabantayan. Bakit walang sirkus? Wala halos balita ng korupsyon sa mga pahayagan. Kung may mababasa ka mang pulitiko, ay yaong makukulong dahil nagnakaw sa kanilang pamahalaan. Wala ring baha, sabihin mang hindi gaanong dumadaan ang bagyo, dahil malinis at malawak ang kanilang lansangan at kanal. Walang ring away trapiko at malagim na aksidente dahil walang nagmamaneho ng lasing.. dahil bawal! Bawal ang uminom. Bawal ang hindi sumunod sa kanilang bibliya. Nagsisigawan ang mga mambabatas para ipaglaban ang tama. Hindi sila nagsisigawan para mag-iskandalo at maglabas ng baho ng kapwa senador. Nagdadamit sila ng tama. Ang damit ng kanilang mga ninuno. Makakakita ka pa ba ng nagbabaro’t saya at barong sa mall? Mahal din nila ang mga puno at kalikasan. Ang gawang tao na gusali ang nakikibagay sa kapaligiran. Hindi nakatuon ang atensyon sa mga siyudad kung saan pinagpupugaran ng mga iskwater at dumi ng lipunan. Karangalan para sa mga Malay ang makapagtrabaho sa pamahalaan. Hindi upang kumita at umasa sa pagnanakaw ng kaban na dapat sana’y nakalaan sa pagpapaunlad ng pamayanan. Pareho lang naman tayong third world, pero bakit mas bulag ang mga tao, mas bingi, mas pilay.

Wag nating sayangin ang nakapanghihinayang mawala, bago mahuli ang lahat, bago maubos ang ating pagka Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: